Festivals and Events

Registration to PBBM Singapore State Visit

Halina't sumali at magparehistro para sa pagtitipon

PAANYAYA PARA SA PAGTITIPON KASAMA NI PANGULONG FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS JR. AT MGA PILIPINO SA SINGAPORE‼️
Inaabisuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga kababayan sa Singapore na darating si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa Singapore sa Martes at Miyerkules, 6-7 Setyembre 2022, sa imbitasyon ni Pangulong Halimah Yacob ng Singapore.
Isang pagtitipon ni Pangulong Marcos Jr. kasama ang Filipino Community (Filcom) sa Singapore ang pinaghahandaan ng Emabahada ng Pilipinas sa susunod na Martes, ika-6 ng Setyembre 2022, sa University Cultural Centre Ho Bee Auditorium ng National University Singapore. Ang Bulwagan (Auditorium) ay magbubukas ng 2:00 ng hapon (2:00 PM) at magsasara ng 5:00 ng hapon (5:00 PM). Ang pangunahing programa ay magsisimula ng ika-anim ng gabi (6:00 PM).
Halina’t sumali at magparehistro para sa pagtitipon: bit.ly/PBBMinSingapore2022
Maari ring basahin ang ibang detalye sa website ng Embahada: bit.ly/AD-060-2022
Magkita-kita tayo mga Kabayan sa darating na Martes!

IMG_6352
IMG_6353
IMG_6354
IMG_6355
IMG_6356
IMG_6357

Leave a Reply

Back to top button